Wag
Wag kang lalapit
Wag kang titingin
Hindi ko kakayanin
Baka dala mo ay sakit
May takot na ako
Sa mga kagaya mo
Matamis ang ngiti
Nangungusap ang mga mata’t labi
Wag mo akong kausapin
Hindi kita kilala
Madali akong madala
Wag mo akong tuksuhin
Tatabi ka pa talaga
At kakausapin ako
Magpapakilala
Mapapakwento ako
Pilit kong inaalis
Ang mata ko sa iyong mukha
Ang isip ko nasaan na?
Sa iba na lang please
Masasaktan ka lang
Mahilig akong maglaro
Susuyuin kita hanggang
Mapasagot kita ng oo
Iiwan din kita
O iiwan mo rin ako
Masasaktan kita
O masasaktan mo ako
Yayayain kitang magkape
Maghuhuntahan tayo
Hanggang maging araw ang gabi
Magkasama tayo
Magkakapalagayan tayo ng loob
Mahuhulog ka sa akin
Tapos bigla na lang tataob
Sa takot ko, bigla ka na lang lilisanin
Hindi ako duwag
Hindi ito ang una
Puso natin ay tumitibok na
Wag!
- 17 March 2017
No comments:
Post a Comment